Advertisement
Binatikos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga pari at obispo dahil sa naging pahayag ng isang obispo na theatrics o sobrang nagdadrama ang hanay ng kapulisan.
Ito ay dahil sa nasabing plano ng Eastern Police District na magdadala sila ng bibliya at rosaryo kapag may operasyon ng oplan tokhang.
Ang bwelta ni Dela Rosa sa mga pari at obispo ay hindi lang sila ang may karapatang maghawak ng bibliya at rosaryo.
Dagdag pa nito na sa halip na palakasin ng CBCP ang Roman Catholic Religion ay inilalayo pa nila ang mga katulad niya na Katoliko. Masama umano ang loob ni Dela Rosa sa CBCP dahil sa mga pahayag nito.
Ayon pa kay PNP Chief Ronald Dela Rosa sang-ayon siya at wala naman problema kung magdadala ng Bibliya at Rosaryo ang Eastern Police District (EPD) sa operasyon ng oplan tokhang at makakatulong pa ito para mahikayat ang mga drug personalities na magbagong buhay.
Advertisement