Advertisement
Senator Trillanes pinatulan na ang hamon ni Pangulong Duterte na imbestigahan ang sinasabing umano’y bilyun-bilyong ill-gotten wealth niya kaya naman muling nanawagan ang Senador na imbestigahan na ito.
Kaugnay dito ay pormal nang naghain ng resolusyon si Senator Trillanes para ipasilip ang bank ducuments ni Pangulong Duterte at kanyan anak na sa Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.
Ayon kay Senator Trillanes, ang kanyang paghahain ng resolusyon ay pagtanggap sa hamon ni Pangulong Duterte at para-narin lumabas ang katotohanan tungkol sa insyu.
Matatandaan na nuong April 2016 nang unang ibulgar ng senador ang tungkol sa umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Duterte kung saan niya ito kinasuhan ng plunder sa Ombudsman.
Advertisement