Loading...

December 17, 2017

GOOD NEWS | Mahigit 100k contractual employees, na-regular na ngayong 2017

Advertisement

Base sa year-end report ng Department of Labor and Employment o DOLE nasa 125,352 na ang mga manggagawa na na-regular sa kanilang trabaho ngayong 2017.

Kaya naman dahil dito, naniniwala si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na nagtatagumpay ang ahensya sa kanilang kampaniya na alisin ang mga iligal na kontrakwalisasyon sa trabaho

Gayunpaman, aminado parin ang kalihim na mas may magagawa pa sila sa susunod na taon upang mapataas pa ang bilang ng mga empleyado na mare-regular sa kanilang trabaho.

Matatandaang pansamantala munang sinuspinde ng DOLE ang kanilang mga labor inspections ngayong buwan, ito ay upang bigyang daan ang pagpaplano ng mas epektibong monitoring at inspeksyon sa darating na 2018.

source:rmn
Advertisement
Previous Post
Next Post