Loading...

November 18, 2017

Ma­la­cañang | Walang Keyboard Army o mga trolls para ipagtanggol ang gobyerno at atakihin ang mga kritiko

Advertisement
Pinabulaanan ng Ma­la­cañang ang mga ulat na mayroon mga ‘keyboard army’ o mga trolls para ipagtanggol ang gobyerno at atakehin ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Operations ­Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na may 16 mil­yong supporters na bumoto kay Pangulong Duterte sa nakalipas na Presidential eleksyon at ang mga iyon ang magsisilbing tagapagtanggol ng Pangulo dahil sinusuportahan ng mga ito ang mga isinusulong na pagbabago sa bansa.

Kasabay nito, sinabi ni Andanar na interesado siya kung paano ginawa at kung ano ang impormasyong nakuha ng Freedom House para sabihing mayroong ‘keyboard army’ ang Duterte administration.

“The Presidential Communications Operations Office does not employ a ‘keyboard army’. What President Duterte has are millions of supporters, 16 million of which turned up at polling precincts throughout the land,” pahayag ni Andanar.

Freedom House - Isang human rights watchdog na nakabase sa Amerika.

source: Abante
Advertisement
Previous Post
Next Post