Advertisement
Senate Majority Leader Vicente Sotto binanatan ang Prime Minister ng Canada na si Justin Trudeau, wag na makialam sa isyu ng extrajudicial killings at human rights at pag tuunan nya ang pag kuha sa tone-toneladang basura na itinapon ng Canada sa Bansa noon pang taong 2013.
Sa halip na makialam sa isyung panloob ng bansa ay dapat bigyang-pansin ni Justin Trudeau ang problema sa 50 containers ng toxic waste na bulok na at nananatili sa Subic, Zambales at Port of Manila.
“Stop evading your country’s responsibility by bringing up an issue that is highly debatable,” saad ni Sotto.
Ayon kay Sotto ay hindi katanggap tanggap na hanggang ngayon ay walang ginagawang solusyon si Trudeau sa tone-toneladang basura nila.
“It is not acceptable that until now he (Trudeau) cannot offer a tangible solution for the tons of garbage still rotting in our port,” dagdag ni Sotto.
Advertisement