Advertisement
Arestado ang isang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation ngunit Tawas pala at hindi shabu ang laman umano ng dalawang paketeng nakumpiska mula sa isang tulak sa buy-bust operation sa Baguio City Biyernes ng gabi.
Suspek Erwin Reyes - “Isa lang masasabi ko, hindi po totoo 'yun. Nangangailangan lang po ako,”
Huli sa buy-bust operation si Reyes, maintenance crew ng isang establishment, tubong Iloilo, at 8 years nang naninirahan sa Baguio City.
Ayon kay Reyes, peke ang laman ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu na nakuha sa kaniya. Ginawa daw niya ito dahil sa nangungulit niyang buyer.
“'Yung ginawa nating buy-bust, through cellphone kasi 'yan, nakipag-transact tayo. Bumili tayo, umoo naman siya. Nung 'yung agent natin, ibinigay na 'yung pera at ibinigay na 'yung item, ito na 'yung signal upang hulihin siya,” paliwanag ni Chief Inspector Marlo Evasco.
Dinala na sa PDEA sa Cordillera si Reyes habang pinoproseso na ang nakuhang ebidensiya sa kaniya upang makumpirma at masuri kung ano nga ba ang laman nito.
SOURCE:
Advertisement