Loading...

September 30, 2017

Thank You sa Pagpapaalala kay Pangulong Duterte, Atty. Mel Sta. Maria. Dean of FEU College of Law

Advertisement
Atty. Mel Sta. Maria pinaalala kay Pangulong Duterte ang batas na umiiral itoy matapos mag banta si Pangulong Duterte na ipa aaresto niya ang mga Ombudsman Official na hindi susunod sa kanya. Pinaalala ni Atty. Mel. na korte lamang ang nakakapag order ng arrest via a warrant of arrest at walang kapangyarihan si Pangulong Duterte o Executive Department na mag-issue ng Warrant.

Panawagan pa ni Atty Mel kay Pangulong Duterte na Sundin ang Batas  at bilang Presidente ay maging example ng Leader na Sumusunod sa Batas.

NARITO ANG  PAHAYAG NI ATTY. MEL KAY PANGULONG DUTERTE:

Sir, paalala lang po. Ang korte lamang po ang nakakapag-order ng arrest via a warrant of arrest. Hindi po kayo. Tinanggal na po sa konstitution ang kapangyarihan ng Presidente o executive department na mag-issue ng warrant. Natuto na po ang bayan sa ginawa ni Marcos nung period ng diktadurya na kung saan ang daming ASSO (Arrest Search Seizure Order) ang na-issue ng executive department at madaming nadakip na nawala at namatay.

Hindi rin po matuturing citizen arrest iyan. Ang hindi po pagdalo sa gagawin ninyong commission ay hindi naman krimen. Wala pong krimen kung walang batas na nagsasabing krimen ang isang kilos. Basic po iyon, di ba? Ang pag-aresto po na walang basehan sa batas ay illegal arrest sa ilalim ng Revised Penal Code. Kahit po presidente ay hindi above the law.

Malinaw naman po ang Konstitution. Let us abide, sir ,by the RULE OF LAW. Masmabuti na po na bilang presidente, kayo ang example ng leader na sumusunod sa batas. Let us follow sir.

Masama kasi na nangtatakot ang isang lider sa mga mamamayan para sumunod sila sa batas, pero siya mismong lider ay hindi naman sumusunod sa batas at gumagawa pa ng krimen. Ang tawag po sa mga lider na iyan "despot".

Paalala lang po sir. Thank you.

SOURCE: Atty. Mel Sta. Maria FB 
Advertisement
Previous Post
Next Post