Loading...

October 6, 2018

Mga estudyante ng UP Diliman, tinawag na anti-people si DUTERTE

Advertisement
Manila, Philippines – Tinawag ni UP Student Regent Ivy Aroma na anti-people si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kawalan nito ng kongkretong plano na bigyang-sulosyon ang pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

Giit ni Aroma, pulos pananakot lamang umano ang gobyerno sa ginawang red tagging ng militar sa ilang unibersidad sa bansa na umano ay recruitment grounds ng CPP-NPA.

Pero hindi sila titigil na labanan ang anila ay rehimen na nagpapakita ng mga senyales na maaring magdeklara ng batas militar.

Nauna nang nagsagawa ng black Friday protest bilang pagpalag sa naturang intimidasyon.
Advertisement
Previous Post
Next Post