Loading...

May 27, 2018

Imported na bigas darating na at mabibili sa halagang P27 to P32 kada kilo

Advertisement

Sa unang linggo ng June ay inaasahang darating na sa bansa ang mga bigas na inangkat mula sa ibang bansa.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesman Rex Estoperez  ang mga imported na mga bigas na ito ay mabibili sa merkado simula sa June 5 sa halagang P27 hanggang P32 kada kilo.

Balak ng NFA na punan muna ang stock ng bigas sa mga NFA outlet bago ayusin ang bufferstock.

Matatandaang kamakailan lang, sinabi ng NFA na nasasaid na ang stock ng NFA rice sa bansa.
Advertisement
Previous Post
Next Post