Advertisement
Nakaharap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang babaeng pulis na pinakawalan matapos dukutin ng grupong Abu Sayyaf sa bayan ng Patikul, Sulu.
Image Courtesy of the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process
Ayon kay SAP Bong Go, dakong alas-2 ng hapon nang lumapag sa Davao airport ang sinakyan nina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.
Kasama ng dalawang pulis si Moro National Liberation Front (MNLF) founding chair Nur Misuari nang makaharap nila si Pangulong Duterte, si Go, at peace adviser Jesus Dureza.
Si Misuari ay isa sa mga tumulong sa pagpapalaya sa dalawang pulis.
Pinakawalan sila nitong Mayo 16 matapos silang dukutin noong Abril 29.
Advertisement