Loading...

April 13, 2018

Pangulong Duterte, sinabihan si CJ Sereno ng Bobo at Ignorante

Advertisement
Pangulong Rodrigo Duterte Direktang sinabihan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ignorante at bobo.

Pagdating na pagdating ni Pangulong Duterte sa Davao matapos ang kanyang pagbisita sa Hong Kong ay agad na inupakan ng Pangulo si Sereno matapos nitong batikusin ang inihaing Quo Warranto petition ni Solicitor General Jose Calida.

Ayon sa Pangulo – kaya niya kinastigo si Sereno sa publiko ay dahil sa pagiging ignorante nito.

Aniya, dapat ay noon pa ay pinaalis na sa pwesto si Sereno dahil sa kawalan nito ng alam sa batas.

Matatandang ipinanawagan ng Pangulo noong Lunes sa Mababang Kapulungan ang mas mabilis na pagpapatalsik kay Sereno sa pwesto.

Pero, paglilinaw ni Duterte – ang kanyang apela noong Lunes (April 9 2018)ay para lamang sa kanyang mga kapartido at hindi mismong sa kongreso.

Nilinaw din ng Punong Ehekutibo na hindi niya gustong ipakulong si Sereno at nais lamang na paalisin sa pwesto.

source:rmn
Advertisement
Previous Post
Next Post