Loading...

February 23, 2018

BANTA NG PANGULO | Sinumang makapapatay sa miyembro ng NPA, bibigyan ng pabuya.

Advertisement


Pangulong Duterte muling nagbanta sa mga miyembro ng New Peoples's Army (NPA).  Sa pagtatalumpati ni Pangulong Duterte sa Camp Hernandez sa Iloilo ay sinabi nito na magbibigay siya ng pabuya sa sinumang makakapatay sa sinumang miyembro ng NPA.

Dinepensahan din ng Pangulo ang kanyang sarili sa nakaraang pahayag niya na barilin ang mga babaeng miyembro ng NPA sa maselang bahagi ng katawan nito.

Nanawagan narin ang Pangulo na tumigil na ang NPA sa pagmamanipula nila sa isip ng mga Pilipino at sumuko nalang at bibigyan niya ng pangkabuhayan at training mula sa TESDA ang mga miyembro ng NPA na susuko at magbabalik luob sa Gobyerno.

Advertisement
Previous Post
Next Post