Advertisement
Pinagbantaan ni Pangulong Duterte ang mga estudyante na sumasali sa mga protesta na hindi na sila isasama sa free college education at ibibigay nalang ang kanilang slot sa mga deserving na lumad. Matapos ang banta ng Pangulo ay nagbabala naman ang ilang militanteng mambabatas na mas-magiging madalas pa umano ang kilos protesta ng mga mag-aaral.
Ayon kay Representative Sarah Elago at Anakpawis Representative Ariel Casilao na ang pananakot ni Pangulong Duterte ay isang pagpigil sa karapatan ng mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga saloobin.
Paliwanag pa ng mambabatas ay Walang mali at hindi naman krimen ang makiisa at mag-protesta sa mga mali o pagkukulang ng gobyerno. Mas mainam pa nga ito na aktibo ang mga kabataan sa mga nangyayari sa bansa kesa naman ang magkalat lamang ng fake news.
Hindi umano matatakot ang mga estudyante na ilaban ang kanilang mga karapatan.
Advertisement
