Advertisement
Trabaho lang muna at ayaw daw muna isipin sa ngayon ni PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa ang pagkakasama niya sa 2019 senatorial bet survey ng Social Weather Stations.
Image source: UNTV
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa huwag muna umasa at hayaan lang ang survey at hindi niya muna ito siseryosohin. Ayon pa sa kanya ay focus nalang muna siya sa trabaho.
"Huwag tayo umasa. Okay lang nandiyan, I should not take it seriously. Sinabi ko papunta na ko duon. Focus lang muna sa additional 3 months ko sa serbisyo"Ayaw din daw ni PNP Chief Dela Rosa na magmukhang may halong pamumulitika ang kanyang trabaho.
"Pag sinabi na tatakbo ako lahat ng decision making ko rito ay may halong pamumulitika na. Ako, trabaho lang muna talaga in the best way i can help the President"
Source: News5
Advertisement