Loading...

January 31, 2018

Mga kristiyanong negosyante, dapat tanggapin sa Marawi City – Pangulong Duterte

Advertisement


Pangulong Rodrigo Duterte umaapela sa mga Maranao na dapat ay tanggapin ang mga kristiyanong gustong mamuhunan sa Marawi City.

Ayon sa Pangulo, kailangang magtulungan ang mga Kristiyano at ang mga Muslim para maibalik sa dati at mas maging progresibo ang lungsod na nasira ng kaguluhan.

Paliwanag pa ni Pangulong Duterte, layon niyang mabigyan ng mas mabuting buhay ang mga taga-Marawi City at maibalik sa kinagisnang buhay na ibinigay sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Muli namang nanawagan si Pangulong Duterte sa mga taga-Marawi City na huwag hayaang makapasok muli ang mga terorista at bantayan ang kanilang paligid para hindi na maulit ang kaguluhan sa Marawi City na tumagal ng halos 5 buwan.

source:rmn
Advertisement
Previous Post
Next Post