Loading...

January 23, 2018

Height requirement para maging pulis, Mananatili parin ayon sa PNP

Advertisement
Manila, Philippines – Kinakailangan pa ring makapasa sa height requirement ang mga nais na maging miyembro ng Philippine National Police.

Ito ang paglilinaw ni Police Deputy Director General Fernando Mendez ang The Deputy Chief for Operation.

Ipinaliwanag ito ni Mendez  matapos ang lumabas na mga ulat na pinapayagan na ng National Police Commision o (NAPOLCOM) na walang height requirement para sa gustong maging pulis.

Paliwanag ng opisyal mali umano ang unang nailabas na impormasyon ng NAPOLCOM, dahil nanatili parin ang height requirement para sa mga aplikante sa pagka-pulis.

Ang requirement sa babae na aplikante ay 5’2 at 5’4 sa lalaking aplikante.

Pero mayroong mga exempted sa patakarang ito, partikular kung ang isang aplikante ay miyembro ng isang indigenous group.

source: rmn
Advertisement
Previous Post
Next Post