Loading...

January 7, 2018

Arestado ang isang construction worker matapos halayin ang limang taong gulang na babae

Advertisement


Isang construction worker ang arestado matapos manghalay ng limang taong gulang na babae sa Maragondon, Cavite.

Sa kuwento ng nanay ng bata iniwan niya ang anak sa bahay kasama ang mga kalaro para makipaglamay sa huling burol ng mismong ama ng suspek na si Albert Gever.

Dagdag pa niya, pag-uwi nya sa bahay ay nagulat na lang siya nang datnan si Gever sa kanilang kuwarto kasama ang limang taong gulang na anak na wala nang saplot at ginagawan ng kahalayan.

Agad humingi ng tulong ang nanay ng bata kaya mabilis naaresto ang suspek na tatakas na sana.

Lubos na galit ang nararamdaman ng nanay ng bata dahil hindi niya inakalang ang kanilang kapitbahay at itinuring na kaibigan ang magsasamantala sa kaniyang anak.

Depensa naman ng suspek, blangko siya sa nangyari dala ng sobrang kalasingan at hindi niya kayang gawin iyon sa bata lalo't kaibigan rin niya ang pumanaw na ama ng biktima.

Base sa medicolegal Lumalabas na positibong hinalay ang biktima habang kinasuhan na ng statutory rape ang suspek.

Panuorin ang video:

Advertisement
Previous Post
Next Post