Loading...

December 10, 2017

FULL FORCE | NBI, tutulong na rin sa ‘war on d-r-u-g-s’ [AGREE]

Advertisement

Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) mas naging positibo na magwawagi ang gobyerno sa matinding war on illegal drugs sa bansa ngayon dahil bukod sa Philippines National Police (PNP) ay kasama narin nila sa kampanya kontra iligal na droga ang Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) ng National Bureau of Investigation (NBI).

Dahil sa hakbang na ito ay ipinaabot ni PDEA Director General Aaron Aquino ang kanilang pagpapasalamat sa Department of  Justice (DOJ) na nagbigay ng go signal sa NBI na tumulong at bumalik sa anti drug operation.

Tiniyak na ni Aquino na handang handa na sila para sa ALL OUT WAR laban sa iligal na droga at wala narin umanong dahilan para mabigo nila ang order ni Pangulong Duterte na tuldukan ang matinding problema sa droga.

Ayon kay Aquino, bagama’t lead authority ang PDEA maaari pa ring tutukan ng NBI ang high-value targets habang ang PNP naman ay sa Illegal Drug Trafficking at Street-Level Distribution.
Advertisement
Previous Post
Next Post