Loading...

November 7, 2017

Ombudsman Morales, iimbestigahan ang ₱6.4 billion shabu shipment galing China

Advertisement

Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang pagpuslit sa bansa ng ₱6.4 bilyong halaga ng shabu galing China.

Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang Office Order No. 765 noong October 13, na nag-aatas sa isang special fact-finding team na imbestigahan ang isyu ng shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC).

Ang imbestigasyon ng Ombudsman ay kasunod ng mga isinagawang hearing ng House of Representatives at Senado.

Ang mga committee reports ng Kongreso kaugnay sa isyu ay gagawing batayan ng Ombudsman sa sarili nitong imbestigasyon.

Matatandaang idinawit sa shabu smuggling ang mga kaanak ni President Rodrigo Duterte na sina presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at asawa ni Davao City Mayor Sara na si Atty. Mans Carpio.

Binigyan ni Morales ang special panel ng 90 araw upang ibigay ang report o rekomendasyon kaugnay sa shabu smuggling.
Advertisement
Previous Post
Next Post