Loading...

November 12, 2017

Duterte, ‘most trusted’ na pangulo kumpara kina Aquino, Arroyo at Estrada

Advertisement

MANILA, Philippines – Nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte bilang may pinakamataas na performance at trust ratings kung ikukumpara sa nagdaang tatlo pang mga pangulo ng bansa.

Base sa inilabas na comparative ratings ng Pulse Asia survey, mapapansing si Duterte ang may pinakamataas na trust rating pagkaupo pa lang sa puwesto (91%).  Siya lang din ang nakakuha ng mas mataas pa sa 81% na trust rating kung ikukumpara kina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Noynoy Aquino na 80% lang ang pinakamataas na nakuha.

Nagtala si Macapagal-Arroyo ng pinakamababang trust rating na 10% noong February 2010.


Kung performance rating naman ang pagbabasehan, si Pangulong Duterte lang ang nakakuha ng mas mataas pa sa 80%. Umabot sa 86% ang performance rating niya noong September 2016.

Ang pinakamataas naman para kay Aquino ay noong October 2010 at September 2013 na may 79%

Pinakamataas naman para kay Macapagal-Arroyo ay noong March at October 2001 na parehong may 63% habang umabot naman sa 14% ang pinakamababa niya noong March 2010.

Pumalo naman ang pinakamataas ni Estrada noong May 1999 na may 74% performance rating.
source:News5
Advertisement
Previous Post
Next Post