Advertisement
May ilang balita ang kumakalat ngayon sa mga social media sites tungkol sa pagkondena ng CBCP na pagpaslang sa teroristang sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Ayon sa mga social media posts, kinukondena raw ng CBCP ang pagpatay ng mga sundalo kina Hapilon at Maute kung saan dapat ay sa katawan na lang pinatamaan ang mga ito at sinabing napaka brutal ng pagpaslang sa kanila.
Subalit nilinaw ni CBCP President Lingayen Archbishop Socrates Villegas na walang inilabas na anumang pahayag ang kanilang organisasyon.
Sa katunayan ay pinupuri pa nila ang katapangan at kagitingan ng mga sundalo sa kanilang operasyon para matalo ang mga terorista.
Tiniyak rin ni Villegas na handa silang makipagtulungan sa gobyerno para matulungan ang Marawi City na makabangon.
Kasama rin daw sa kanilang panalangin ang mga nasawi sa ilang buwang bakbakan at para na rin sa kapayapaan sa Mindanao.

SOURCE: RMN NEWS
Advertisement