Advertisement
Sinampahan na ng reklamo ang lalaking umaming pumatay sa 9 anyos na babaing hinalay sa Dinalupihan, Bataan. Sa kuwento ng ina ni alyas "Jenny", bandang alas-8 ng gabi nitong Linggo, Oktubre 1, nang utusan ang bata ng kaniyang ama na bumili sa tindahan. Pero nang lumipas na ang isang oras at hindi pa nakababalik ang bata, doon na nag-alala ang kaniyang mga magulang. Dahil hindi mahagilap kung nasaan ang bata, nagpaskil pa sila ng panawagan para sa nawawalang anak sa pag-asang nasa maayos na kalagayan ang menor de edad. Pero nitong Martes, Oktubre 3, natagpuan nang walang buhay si Jenny sa bakuran ng isang bahay. Pang-ibaba na lang din ang suot ng bata at halos hubad na ang pang-itaas.
Nahuli rin nitong Martes ang 56 anyos na suspek na si Leonardo Aquino.
Nahuli rin nitong Martes ang 56 anyos na suspek na si Leonardo Aquino.
Advertisement