Advertisement
Nilusob ng Kadamay ang Manggahan Residences Housing Project ng National Housing Authority para sa mga na-relocate na residente sa floodway sa Pasig City.
Gusto raw ng Kadamay na ma-inspeksiyon ang mga gusali dahil substandard daw ito at delikado para tirahan ng mga residenteng pinapaalis na ngayon ng MMDA sa Manggahan floodway.
Kasama ang Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, sinubukan nilang pasukin ang gusali pero hinarang sila ng mga residente at homeowners sa gusali.
Isinarado ang gate at hindi pinayagan ang Kadamay na makapasok sa loob.
Katuwiran ng mga residente ng Manggahan Residences, natatakot sila na baka biglang okupahin ng Kadamay ang mga bakanteng unit sa labing limang gusali na tulad ng ginawa nila sa Bulacan.
Umatras ang Kadamay matapos ang pakiusapan pero ramdam ang tension dahil muling nagtipun-tipon ang mga Kadamay sa isang bakanteng lote sa floodway para doon magsagawa ng programa.
Ang Manggahan Residences ay proyekto ng NHA at Pasig local government unit. Ipinaminigay ito sa mga beneficiary at pinababayaran ng P800 kada buwan sa loob ng 30 taon.