Advertisement
(IMAGE/RMN)
Balita: Hindi na matutuloy ang 5th round ng formal
peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the
Philippines New People’s Army National Democratic Front sa darating na buwan.Ayon kay Peace Process Adviser Secretary Jesus Dureza, walang nararapat na sitwasyon para ituloy ang usapang pangkapayapaan.
Sinabi nito na pagsunod lang ito sa guidance ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi itutuloy ang usapan hanggat nagpapatuloy ang extortion activity ng mga rebelde sa ibat ibang Bahagi ng Bansa
Inamin naman ni Dureza na magkakaroon ng back channeling para maplantsa ang mga importanteng issue para matukoy ang pangangailangan ng peace talks. source/rmn
Advertisement