Loading...

July 28, 2017

Girl posts videos of terrifying experience after getting violated by pervert in crowded jeep

Advertisement

HERE IS WHAT SHE POST: Hanggang ngayon nanginginig padin ako sa takot. Ilang beses nako naka-encounter ng mga manyak sa jeep pero ibang iba to si kuya. Nakakapanghina, di ko alam gagawin ko. Papara na sana ko. Gusto kong sumigaw pero tinitigan nya ko binulungan nya ko "Dito ka lang. Dito kalang" tapos may kinakapa sa tagiliran nya. nanlilisik mata nya. Di ako makapagsalita. Nanginginig buong katawan ko sa takot.
Ang dali lang magsabi ng "sana bumaba ka. Sana sinigawan mo. Sana sinapak mo." pano kung saksakin ako? kung di ko sya katabi ang dali lang sana e. Nasa jeep na kami non. Pati ung babae na nasa dulo nakita nya pero di rin nakapagsalita kase natakot kung ano gawin saken.
Ang kapal pa ng muka ng hayup winiwisik pa saken nung natapos sya. Dun lang ako nakaiyak. Naramdaman ko takot ko sa katawan ko. Di nya ko nahawakan pero pakiramdam ko nilapastangan nya buong pagkatao ko.
Naka-school uniform ako. Hindi kabastos bastos pero ganito nangyare. Walang pinipili mga manyakis ngayon.
(EDITED: CITYHALL TO TAYUMAN ang jeep na sinakyan ko. Around 7pm.)
Advertisement
Previous Post
Next Post